35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Mobile hospitals para sa mga apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal binuksan ng DOH

- Advertisement -

Dalawang mobile hospital ang binuksan ng Department of Health (DOH) para maserbisyuhan ang mga apektadong residente kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ayon kay Batangas Governor Dodo Mandanas, inilagay ang dalawang hospital sa Polytechnic University of the Philippines sa Sto. Tomas at Barangay Caloocan sa Balayan.

Kabilang sa mga maaring isagawa sa naturang mga mobile hospitals ay minor surgeries tulad ng appendectomy, normal birth delivery at caesarian section.

Bukod dito ay 17 mga medical teams ang ipinakalat sa mga munisipalidad para matutukan ang pangangailangang pang kalusugan ng mga evacuees.

Sa ngayon, pawang mga iritasyon sa mata, upper respiratory infections at diarrhea ang madalas na idinudulog ng mga evacuees.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -