Tennis superstars Serena Williams, Naomi Osaka wagi sa pagbubukas ng Australian Open

Tennis superstars Serena Williams, Naomi Osaka wagi sa pagbubukas ng Australian Open

by Powered by DWIZ
35 views

Buena manong nakapagtala ng panalo sina tennis superstars Serena Williams at Naomi Osaka sa pagbubukas ng Australian Open.

Ito ay sa kabila ng patuloy na paglala ng kalagayan ng hangin sa Melbourne dahil sa bushfire.

Napataob ni Williams ang mas batang si Russian tennis champion Anastasia Potapova sa iskor na 6-0, 6-3.

Habang nag advance din sa second round si Osaka matapos na matalo nito si Marie Bouzova.

Kahit masyado pang maaga, sinabi ng mga tennis expert na posibleng magkaharap sa quarter finals sina Williams at Osaka na tila re-match ng kanilang paghaharap noong 2018 US Open Final.

0 comment

Related Posts