Ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery pansamantalang sarado  

0
54

Pansamantalang sarado ang ilang kalsada sa paligid ng Manila North Cemetery ngayong Undas.

Ito, ayon sa Manila Police District (MPD), ay sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng malaking bilang ng mga bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa naturang sementeryo.

Kabilang sa mga isinara para sa araw ng mga patay ang kahabaan ng Aurora Boulevard mula dimasalang hanggang Rizal Avenue;

Blumentritt mula A. Bonifacio avenue hanggang P. Guevarra Street; Leonor Rivera mula Cavite Street hanggang Aurora Boulevard.

Nagpatupad din ng rerouting scheme para sa mga public utility jeep (PUJ) na patungong sementeryo.