Libu-libong katao nagsimula nang dumagsa sa Manila North Cemetery

0
40

Unti-unti nang dinaragsa ng libu-libong katao ang Manila North Cemetery bago ang paggunita sa Undas.

Daan-daang pulis naman ang sinimulang idineploy sa Norte upang magbigay seguridad at mag-patrol kasabay ng huling araw ng paglilinis ng mga puntod kahapon.

Halos 30 CCTV cameras ang inilagay sa paligid ng sementeryo.

Simula ngayong araw ay hindi na rin papayagang makapasok ang mga sasakyan sa Manila North.

Samantala, nagkalat na rin sa loob at labas ng Cementerio Del Norte ang mga nagtitinda ng kandila at bulaklak.