DOH official nagsumite ng counter affidavit hinggil sa dengvaxia

0
55

Nagsumite na ng kanilang kontra salaysay si Department of Health (DOH) Assistant Secretary Lyndon Lee Suy para sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa kaniya sa usapin ng dengvaxia.

Kasama ring nagsumite ng counter affidavit ag mga kinasuhang opisyal ng Zuellig PHARMa at abogado ng mga opisyal ng Sanofi Pasteur.

Ito ang ikalawang batch ng mga kasong kriminal na isinampa ng mga magulang ng walong batang namatay dahil sa dengvaxia.

Binigyan ng Department of Justice (DOJ) hanggang november 5 ang mga hindi sumipot para magsumite pa ng kanilang kontra salaysay

Kapag natanggap ang lahat ng counter affidavit, mayruon namang hanggang Nobyembre 12 ang Public Attorney’s Office (PAO) para sagutin ang kontra salaysay ng mga respondent.