China handang ipagtanggol ang ‘war on drugs’ ng administrasyon Duterte

0
46

Handa ang China na ipagtanggol ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations at International Human Rights maging sa mga multilateral bodies.

Ito ang tiniyak ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi sa kanyang pakikipag-pulong kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin sa Davao City.

Ayon kay Wang, ang kampanya kontra iligal na droga at terorismo ni Pangulong Duterte ay bahagi lamang ng hakbang upang mapangalagaan ang kapayapaan sa Timog-Silangang Asya.

Suportado rin aniya ng Tsina ang pagpapatatag at pagtatanggol sa national security ng Pilipinas.

Magugunitang pinangunahan ni Wang ang inagurasyon ng consulate general ng People’s Republic of China sa Davao City, kamakailan.