30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Libreng mass swab testing sa mga manggagawa sa Maynila ipinag-utos ni Moreno

- Advertisement -

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing para sa iba’t-ibang manggagawa sa lungsod.

Batay sa inilabas na abiso ng Manila Public Information Office, kabilang sa mga target ng lungsod na ma-test ay ang mga vendors sa iba’t-ibang palengke sa lungsod, empleyado ng malls, tsuper ng pedicab, tricycle, e-trike, jeepneys, at iba pa.

Nauna rito, pinasinayahan na kahapon, ika-29 ng Setyembre, ang ikalawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) laboratory sa Sta. Ana Hospital sa lungsod na kayang magproseso ng aabot sa 1,000 test kada-araw. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -