28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Puno’t dulo ng pagpatay sa opisyales ng S. Korean Fisheries tinukoy

- Advertisement -

Inilabas na ng South Korean Coast Guard ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon kaugnay sa isang South Korean Fisheries Official na pinatay ng mga sundalo ng North.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas umanong nagtangka itong tumakas sa North Korea gayong nakasuot ito ng life saving jacket nang pinatay.

Nangyari rin anila ang insidente sa Yeonpyeong island kung saan malapit na ito sa Northern Limit Line o border sa pagitan ng dalawang Korea sa Yellow Sea.

Gayunman, hanggang sa ngayon anila ay hindi pa rin natatagpuan ang bangkay ng naturang opisyal ng South Korea.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang North Korea sa South Korea hinggil sa insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -