30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Duterte inatasan ang LGU’s na sundin ang national government

- Advertisement -

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Local Government Units (LGU)’s na sundin ang mga polisiya ng national government.

Ito ay kaugnay ng ipinalabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease(IATF-EID) hinggil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Pangulong Duterte, maituturing na pag-abuso sa kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan ang hindi pagsunod sa itinakdang panuntunan ng IATF.

Partikular aniya rito ang restriction o pagpigil sa paggalaw ng anumang klase ng kargamento sa nasasakupan ng bawat LGU’s.

Iginiit ng Pangulo, hindi maipatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang kani-kanilang community quarantine kung hindi rin ito ipinag-utos ng national government.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -