LGU walang otoridad magkansela ng mga flights — DILG

0
18

Walang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na magkansela ng international at domestic flights.

Ito ang binigyang linaw ni Dept. of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kung saan iginiit nitong walang otoridad ang mga Local Government Unit (LGU) na magkansela ng mga flights na mula sa ibang departamento ng gobyerno.

Ang naging pahayag na ito ni Año ay bunsod ng naging hakbang ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na suspendihin ang lahat ng flight patungo at mula sa Davao City, dahil pa rin sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ilalim ng executive number 13, iginiit ni Duterte-Carpio na kaniya nang sinuspinde ang lahat ng air travel patungo at mula sa Davao dahil sa banta ng COVID-19.