Duterte umapela sa publiko na sumunod sa mga alituntunin ng pamahalaan kontra COVID-19

0
26

Umapela si Pang. Rodrigo Duterte sa mga mamamayang Filipino na sumunod na lamang sa mga ipinatutupad na alituntunin ng pamahalaan upang malabanan ang coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Pangulong Duterte, inilagay sa aniya’y isang ‘stage lockdown’ ang Luzon upang matiyak na mananatili sa kani-kanilang tahanan ang mga Filipino at nang maiwasang malagay pa sa alanganin ang kanilang buhay dahil sa virus.

Kaugnay nito, muli namang iginiit ng Pangulo na dapat ding sumunod na lamang ang mga Local Government Unit sa implementasyon ng mga community quarantine guidelines upang maging epektibo ito at hindi na lumala pa ang problema ng bansa.