Isang ginang natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Parañaque City

0
24

Sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19) natagpuang patay, at tadtad ng saksak ang isang 74 na taong gulang na ginang sa loob ng kaniyang tahanan sa Parañaque.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang biktima bilang si Sonia Moral, isang biyuda at naninirahang mag-isa sa kaniyang tahanan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tinitingnang pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nagkalat din ang mga kagamitan ng biktima sa sahig nang madatnan ito ng mga otoridad.