Wednesday, May 8, 2024

Lebron James piniling ilagay sa kanyang jersey ang jersey number ni Gianna Bryant para sa NBA All-Star Game

- Advertisement -

May napili nang numero si Los Angeles Lakers forward Lebron James na ilalagay sa isusuot niyang jersey sa NBA All-Star Game ngayong buwan sa Chicago.

Kaagad pinili ni James ang number 2 bilang pagpaparangal kay Gianna, ang 13-anyos na anak ni NBA legend Kobe Bryant na kasama nitong nasawi sa isang helicopter crash nitong nakalipas na January 26.

Sinabi ni James na nakita niya sa nakalipas na tatlong taon kung gaano kasama si Bryant lalo na’t kasama nito ang kaniyang mga anak at buong pamilya.

Ayon kay James, naalala niya ang 5-taong gulang niyang anak na si Zhuri kaya’t pinili niya ang number 2.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img