Palasyo: One time cash transfer program naglalatag na bilang ayuda sa mga apektado sa quarantine period

0
33

Naglalatag na ng one time cash transfer program ang pamahalaan bilang ayuda sa mga apektado ng Luzon-wide community quarantine.

Bagamat wala pang kumpirmasyon,  tig P3,000 di umano ang inihahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa individual beneficiaries at P15,000 para sa small and medium enterprises.

Kabilang sa mga inaasahang makikinabang sa one time cash transfer ang mga senior citizens, persons with disabilities, mga buntis, solo parents, mga katutubo, ride sharing drivers at mga walang tahanang pamilya.