34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

LCP inilunsad ang ‘covid ask force’

- Advertisement -

Inilunsad na ng Lung Center of the Philippines  (LCP) ang ‘covid ask force’.

Ito ay dahil hindi lahat ng mga Filipino ay maaring isailalim coronavirus disease 2019 (COVID-19)  test dahil sa kakaunting suplay ng testing kit.

Ang covid ask force na binubuo ng animnaraang volunteer doctors ay isang online consultation para sa mga pasyenteng nangangamba kung mayroon na silang COVID-19.

Sa ngayon kasi, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na tanging ang mga persons under investigation (PUI)  lamang na may edad na sisenta anyos pataas na mayroong mild symptoms, at underlying conditions ang maaring isailalim sa testing.

Aniya, ang mga buntis din na mayroon o nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ay ang mga maari lamang na isailalim sa pag-susuri para sa COVID-19.

Sa ngayon, aminado ang kalihim na wala pa ring kakayahan ang Pilipinas na magsagawa ng mass testing.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Dr. Karl Evans Henson, direktor ng The Medical City Hospital Infection Control And Epidemiology Center na mas makabubuti nang magsagawa ng mass testing, may sintomas man ang isang indibidwal o wala upang matukoy ang totoong bilang ng COVID-19 sa Pilipinas upang agad itong ma-aksyunan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -