31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Health workers sa MMC labis na pinang-hinaan ng loob dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Labis na pinang-hinaan ng loob ang mga doktor, nars at iba pang health workers sa Makati Medical Center (MMC).

Ito ay matapos na bumisita sa naturang ospital si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel sa kabila nang pagiging coronavirus disease 2019 (COVID-19) disease.

Sa isang panayam, sinabi ni Saturnino Javier, Medical Director ng  Makati Medical Center na labis nilang ikinadismaya ang naging hakbang ng senador dahil inilagay nito sa tiyak na kapahamakan ang hindi lamang ang buhay ng mga health workers doon kundi maging ng mga iba pang pasyente.

Sinabi ni Javier, sa halip kasi na maging katuwang nila si Pimentel sa pagbibigay ng solusyon ay binigyan pa nito ang mga frontliners ng malaking problema.

Matatandaang, isinugod ni Pimentel ang kaniyang buntis na asawa sa Makati Medical Center sa kabila ng pagiging persons under investigation (PUI) sa COVID-19, kung saan nilabag din nito ang pagsailalim sa kaniya sa quarantine protocols.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -