33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Palasyo tiniyak na hindi na ma-aabala pa ang mga dayuhang nasa Pinas na nanais makaalis ng bansa

- Advertisement -

Tiniyak ng pamahalaan na hindi na ma-aabala pa ang mga dayuhang nasa Pilipinas na mag nanais nang makaalis ng bansa.

Ito ay matapos na ipatupad ng gobyerno ang ban sa lahat ng mga dayuhan anuman ang nasyonalidad upang mapigilan ang pag-kalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) .

Batay sa inilabas na resolution ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF), makatitiyak ang mga dayuhan na ‘hassle free’ ang kanilang magiging biyahe palabas ng bansa.

Sa naturang resolusyon, nakasaad na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s, permanent residents of foreign jurisdiction, at ang mga na-istranded na filipino sa bansa ay malayang maka-aalis ng Pilipinas.

Kamakailan lamang kasi, kailangan munang magpakita ng mga ito ng katibayan ng international travel itinerary na naka-schedule sa susunod na 24 oras.

Kaugnay nito,  tiniyak din naman ng IATF na ang mga outbound foreign nationals ay bibigyan ng libreng access sa mga pasilidad ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -