36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Lapeña ipapatawag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee

- Advertisement -

Hindi pa ligtas si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña sa issue ng umano’y 6.8 billion peso smuggled shabu kahit nailipat na siya ng ibang posisyon.

Ito ang binigyang diin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon makaraang sibakin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mataas na opisyal ng Bureau of Customs.

Ayon kay Gordon, kahit itinalaga na si Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority ay ipatatawag pa rin ito sa hearing ng Blue Ribbon sa Martes, Oktubre 30.

Sa katunayan ay noon pa niya pinayuhan sina Lapeña maging si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na magpatupad ng malawakang balasahan sa Aduwana upang maiwasan ang smuggling at korapsyon.

Kaya sinabi ko kay Sid Lapeña noon na palitan niya ang mga tao niya dahil masyadong incompetent at pinapahamak siya. Ayun na nga ang ginawa ng presidente pinalitan lahat ng tao niya. I told him also sa press con di pa ako sigurado na kasama si Lapeña sa mga nangyari hindi pa siya accountable that’s why I will call another hearing para mabuo na natin at matapos na ang istorya

Samantala, nagbabala si Gordon sa posibleng kaharapin sakaling magkamali si Pangulong Duterte sa pagkakatalaga kay Lapeña sa TESDA sabay giit na dapat isailalim sa lifestyle check ang lahat ng  sinibak na Customs official.

Pero ang president siguro tiwala pa rin siya sa tao niya na inilagay dun at ang mga taong mahina ang liderato sinama ang mga taong pinahamak sila binibigyan pa niya ng isang pagkakataon at patunayan na hindi naman talaga sapat, pero ‘yun ang kanyang kaalaman ahensya ‘yan he would pay for it magkamali siya kay Lapena sa TESDA. Kaya nga sinabi ko lifestyle check dyan malalaman kung may katiwalian na.

(Usapang Senado Interview)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -