Apat katao sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Marina-Coastal road

0
64

Apat ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa paanan ng Marina – Coastal road dakong 8:30 kaninang umaga.

Kinabibilangan ang mga nagkarambolang sasakyan ng isang 10-wheeler truck, isang pampasaherong bus, isang Nissan Urvan at isang Mitsubishi Montero.

Nangyari ang aksidente sa ilalim ng bagong gawang flyover sa panulukan ng Coastal road at Pacific Avenue patungong Macapagal Boulevard.

Sumabog pa ang gulong ng Montero na habang naka-tihaya naman ang Nissan Urvan na sumakop sa tatlong lane ng nasabing kalsada.

Nagresulta ito sa mabigat na daloy ng trapiko sa lugar habang hinihintay ang mga operatiba mula sa Parañaque Traffic Bureau gayundin ang rescue team para magbigay responde sa naturang aksidente.

(Ulat ni Aya Yupangco)