Sunday, April 28, 2024

Lapeña di pa ligtas sa isyu ng P6.8-B smuggled shabu—Gordon

- Advertisement -

Hindi pa ligtas sa asunto si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kaugnay sa umano’y 6.8 billion peso smuggled shabu kahit nailipat na siya ng ibang posisyon.

Ito ang binigyang diin ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon makaraang sibakin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Gordon, kahit itinalaga na si Lapeña sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay ipatatawag pa rin ito sa hearing ng Blue Ribbon sa Martes, Oktubre 30.

Sa katunayan ay noon pa niya pinayuhan sina Lapeña maging si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na magpatupad ng malawakang balasahan sa Aduana upang maiwasan ang smuggling at korapsyon.

Samantala, nagbabala si Gordon sa posibleng kaharapin ni Pangulong Duterte sakaling magkamali sa pagkakatalaga kay Lapeña sa TESDA sabay giit na dapat isailalim sa lifestyle check ang lahat ng sinibak na Customs official.


Lapeña, Faeldon muling ipinagtanggol ni Pangulong Duterte

Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon na kapwa itinalaga sa panibagong posisyon sa kabila ng umano’y multi-billion peso drug smuggling issue.

Sa kanyang talumpati sa Masskara Festival sa Bacolod City, Negros Occidental, inihayag ni Pangulong Duterte na sadyang hindi naiwasan nina Lapeña at Faeldon na malusutan ng malaking halaga ng kontrabando.

Kahit aniya naharap sa kontrobersya ang dalawang nabanggit na opisyal ay malaki ang iniambag ng mga ito sa pagsugpo sa smuggling.

Samantala, kumambyo naman ang Punong Ehekutibo at iginiit na hindi niya papayagan ang katiwalian sa kanyang administrasyon.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -