Monday, May 13, 2024

DOLE tiniyak ang ayuda sa 19 OFW na inaresto sa Riyadh

- Advertisement -

Handang umayuda ang pamahalaan sa labing syam (19) na Overseas Filipina Workers (OFWs) na inaresto sa Riyadh Saudi Arabia matapos mag-Halloween party.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pinakilos na niya ang Labor attache’ ng bansa sa Riyadh upang tignan ang kalagayan ng mga inarestong OFW.

Nagpahayag ng pag-asa si Bello na puwedeng madaan sa diplomasya ang pamahalaan ng Saudi upang mapatawad ang mga OFW.

Ayon kay Bello ang karanasan ng mga OFW sa Riyadh ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat nakakaalis ang isang manggagawa nang hindi dumadaan sa pre-departure orientation seminar (PDOS).

“May abogado tayo diyan from Department of Foreign Affairs doon sa kanilang ATN Division na Assistance to National, pero alam mo hindi naman masyadong mabigat ‘yan kaya nga andun ‘yung ating Labor attache’ at binabanatayan baka puwedeng pakiusapan dahil hindi naman talaga sinasadya, nagha-happy happy lang siguro ang ating mga kababayan, nalulungkot siguro kaya gumawa ng konting kasiyahan.” Pahayag ni Bello

 (Tolentino Online Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -