LTFRB nagkasa ng surprise inspection sa mga bus terminal

0
60

Sopresang ininspeskyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang ilang mga terminal ng bus sa Metro Manila bilang paghahanda sa paggunita ng Undas.

Unang, tinungo ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang Jam Terminal sa Quezon City kung saan kanyang pinaalalahanan ang mga operator at drver na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga bus bago bumiyahe.

Isang bus ng Genesis na patungong Baguio City ang pansamantalang pinigilang bumiyahe ni Delgra at inutusang papalitan muna ang nakitang pudpod na gulong nito.

Habang sinita naman nito ang terminal ng Dagupan Bus dahil sa kawalan ng maayos na waiting area.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang Land Transportation Office (LTO) at kanilang unang tinungo ang Araneta Bus Terminal sa Cubao.

Kabilang sa sinilip dito ng LTO ang registration, lisensya, ilaw, break at gulong ng mga bus para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.


Samantala, nagpositibo naman sa drug test ang isa sa mga drivers ng pampasaherong bus sa Araneta Center Bus Terminal.

Nagsagawa ng sorpresang drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga tsuper ng bus sa harap ng pagdagsa na ng mga pasaherong pauwi ng probinsya para sa Undas.

Kasama ng PDEA sa kanilang sorpresang pagbisita sa bus terminal ang Land Transportation Office (LTO) na sumuri naman sa registration, lisensya, lights, breaks at gulong ng mga bus upang tiyaking ligtas sa kanilang biyahe ang mga pasahero.

—-