40 bahay naabo, 90 pamilya apektado ng sunog sa Brgy. Tatalon Q.C

0
26

Aabot sa 40 bahay ang naabo habang 90 pamilya ang apektado matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Victory Avenue, Barangay Tatalon, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Fire Station Ground Commander Col. Edgar Tanawan, nangyari ang sunog nang maglaro ng flammable material ang isang bata.

Nabatid na pawang gawa sa light materials ang mga bahay kaya’t mabilis na kumalat ang apoy.

Pahayag ni Purok Leader Fernand Ogalesco, nagkaroon na rin ng sunog sa kanilang lugar noong 2015.

Inaalam pa ang kabuuang pinsala sa naganap na sunog.