34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Lalaking Nakainum, Nabaril Ng Sariling Ama Sa Guipos, Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Zamboanga del Sur -Kinilala ang biktima na si Jore Diyapana Antone, 21 habang kinilala ang suspek na si George Dicahan Antone, 43, parehong taga Bag-ong Oroquieta sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, nakainum ang biktima at nakaalitan ang kanyang pinsan.

Kumuha raw ito ng panaksak at sinubukang saksakin ang pinsan subalit mabilis itong naawat ng suspek.

Dahil dito, nabunton ng biktima ang kanyang galit sa amang suspek at sinubukan niya itong saksakin pero nagawang kunin ng suspek ang kanyang nakatagong baril at binaril ng dalawang beses ang anak.

Nagtamo ito ng sugat sa dibdib at likod na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan at ngayo’y patuloy na nagpapagaling.

Agad namang naaresto ang amang suspek na ngayo’y nakakulong sa Guipos PNP custodial facility.

Nangyari ang insidente nito lamang, Huwebes, Hulyo 1 2021.

(News & photo courtesy of Audie Hampong)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -