Sunday, May 5, 2024

Lahat ng aspeto sa kampanya kontra illegal drugs hindi kailangan pakialamanan ni Robredo — Sotto

- Advertisement -

Magiging maayos lamang ang relasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, kung tututukan lamang ni Robredo ang kanyang trabaho bilang co-chairman ng Inter-Agency on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hindi kailangang sawsawan ng Bise Presidente ang lahat ng aspeto ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga sa bansa.

Aniya, hindi rin dapat makialam si Robredo sa mga isyu na may kaugnayan sa law enforcement.

Samantala, sa huli sinabi pa ng senador na may ibang pakay ang mga advisers ni Robredo na kanyang pinapakinggan kung kaya’t mas lalong gumugulo ang trabaho nito sa ICAD.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img