31.1 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Diplomatic corps tiyak ang kaligtasan sa bansa — Duterte

- Advertisement -

Tiyak na ligtas ang sinomang diplomatic corps na pupunta sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa 80th anniversary Department of National Defense (DND) na ginanap sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon sa Pangulo, ligtas na makakapaglakad sa lansangan ng Maynila ang mga dayuhan at walang sino man ang magtatangkang manakit dito.

Gayunman, nag iwan naman ng katanungan ang Pangulo sa mga miyembro ng diplomatic corps kung ligtas rin ba ang mga opisyal ng Pilipinas na makapaglakad sa Washington o Los Angeles katulad ng kaligtasan na sinisiguro nito sa Maynila.

Samantala, sa huli iginiit rin ng Pangulo na puspusan ang kanilang ginagawang trabaho upang maibalik sa katahimikan at kapayapaan ang bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -