Sunday, May 5, 2024

Checkpoints sa Central Luzon mas paiigtingin para sa SEA Games

- Advertisement -

Mas pa-iigtingin pa ang mga checkpoints at oplan sita sa Central Luzon, ngayong papalapit na ang SEA Games 2019.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ang pagpapaigting ay hakbang para matiyak ang seguridad at kapayapaan ng malaking event sa bansa.

Aniya, bukod sa checkpoints at oplan sita ay kanya naring inatasan ang mga police commander na makipagtulungan sa  Local Government Units (LGU) para mas dumami pa ang pwersa sa pagpapanatili ng kapayapaan.

Matatandaang naglabas ng memorandum si PNP Officer-In-Charge Pol. Lit. Ge. Archie Gamboa kung saan papairalin ang gun ban sa NCR, Region 3, Region 4-a at maging sa buong lalawigan ng La Union.

Samantala, epektibo ang naturang pagbabawal sa baril sa loob ng 25 araw simula kahapon November 20 hanggang December 14 kasalukuyang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img