33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Lacson isang ‘isip-bata’ —Castro

- Advertisement -

Tinawag na ‘isip-bata’ ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ay kaugnay ng mga paratang ni Lacson na may ipapasok na pork barrel fund ang kamara sa 2020 proposed national budget.

Ayon kay Castro, dapat na mang-hingi ng paumanhin si Lacson, dahil sa paninira nito sa reputasyon ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Aniya, iresponsable ang mga naging pahayag ng senador lalo na’t hindi pa naman nasisilip ni Lacson ang panukalang pambansang pondo at basta-basta na lamang nitong ibina-bahagi sa media ang kaniyang mga nakakalap na impormasyon nang wala man lang beripikasyon.

Magandang lalaki, magandang tingnan, macho, pero ang isipan ay ‘isip-bata’…. He should and must appologize to this institution,” —Rep. Fredenil Castro kay Sen. Panfilo Lacson

Kasabay nito, sinegundahan naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang panawagan ni Castro, at sinabi nito na maging ang Senado ay dapat mang-hingi ng paumanhin sa Kamara.

Samantala, muli namang hinamon ng mga mambabatas si Lacson na tukuyin na ang kaniyang sources sa kaniyang mga paratang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -