Tuesday, May 7, 2024

Kumpletong bakuna sa mga anak paalala ng DOH sa mga magulang

- Advertisement -

Umapela na ang Department of Health (DOH) sa mga magulang na tiyaking kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak.

Ito ay sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng diphtheria at polio sa bansa.

Batay sa inilabas na pahayag ng DOH, sinabi nito na hindi lamang tigdas, at polio ang dapat na tutukan ng mga magulang, kundi maging ang mga sakit gaya ng diphtheria, pertussis o whooping cough na maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagpapa-bakuna.

Sa tala ng DOH, umabot na sa 167 ang naitalang kaso ng diphtheria sa bansa, mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Sa naturang bilang, 40 dito ang nasawi.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOH na mas paiigtingin pa nila ang kanilang mass vaccination program sa buong bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img