Tuesday, May 7, 2024

Tinaguriang ‘drug queen’ hinikayat na sumuko ni Moreno

- Advertisement -

Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang tinaguriang ‘drug queen’ ng Maynila na sumuko na sa mga otoridad.

Ito ang naging panawagan ni Moreno matapos kilalanin ng mga otordiad si Guia Gomez-Castro bilang ang umano’y ‘drug queen’ na bumibili ng mga recycled drugs mula sa mga ‘ninja cops’.

Ayon kay Moreno, malaking tulong kasi kung kusa itong susuko sa mga otoridad, upang linawin ang mga paratang laban sa kaniya.

Kasabay nito, nilinaw din naman ni Moreno na si Castro ay dating chairwoman ng barangay 484 sa Sampaloc, Manila.

Dagdag pa ng alkalde, bukas din ang kaniyang tanggapan sakaling magdesisyon na ito na sumuko na sa mga otoridad.

bilang pakikiisa ng pamahalaang Lungsod ng Maynila, ako po ang inyong linkod, Isko Moreno, alkalde ng syudad, ay nananawagan sa pamilya ni dating Chairwoman Guia Gomez-Castro… Para po maituwid natin itong mga data (drug matrix) na sinasabi sa publiko…. anytime po pwede kayo magtungo sa aking opisina nang sa ganon ay pwede tayong magtungo sa pulisya kung saan doon ay masasabi natin kung ano nga ba ang katotohanan sa mga akusasyon na ito,” —Manila Mayor Isko Moreno

Aniya, naghain ito ng leave of absence para sa buwan ng Abril hanggang Hunyo ngunit hindi na ito bumalik pa sa kaniyang tungkulin, kaya’t naglabas ng resolusyon para  alisin na lamang ito sa puwesto.

Matatandaang sinabi ni NCRPO Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na nasa 16 na pulis ang konektado sa operasyon ng iligal na droga ni Castro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img