Lacson ikinatuwa ang pagtanggap ni Robredo sa kanyang alok na tulong

0
17

Agad na tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang alok na tulong ni Senador Panfilo Lacson kung paano magiging epektibo ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon sa Senador, ikinatuwa at ikinalugod niya ang agarang pagtanggap ng Bise Presidente sa kaniyang alok.

Dagdag pa ni Lacson, isa itong pagpapakita na seryoso si Robredo at ng sinseridad nito sa bagong tunkulin bilang bagong drug czar.

Sa ngayon ay inaayos na kung kailan magkakaroon ng pagpupulong ang dalawang opisyal para talakayin ang mga gagawin sa kampanya kontra ilegal na droga.