Plastic balak ng ipagbawal sa bansa

0
12

Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng plastic sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang cabinet meeting kahapon.

Aniya, isa ito sa mga nakikitang solusyon ng Pangulo para labanan ang climate change sa bansa at sa buong mundo.

Aminsado naman ang Pangulo na hindi madali ang naturang hakbanging.

Kailangan pa lumikha ang kongreso ng batas na susuporta sa panukala bago ito mapatupad. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)