Halos 100 umano na dayuhang terorista nasa bansa — Banlaoi

0
7

Pinangangambahang aabot na sa halos 100 dayuhang terrorist fighters ang nasa bansa ngayon.

Ayon kay Security Analyst Rommel Banlaoi, sa nasabing bilang 10 dito ang target ngayon ng pulisya samantalang nasa 40 naman ang nasa ilalim ng watchlist ng puwersa ng pamahalaan.

Lumabas ito sa kanilang ginawang pag-aaral ngunit umaasa si Banlaoi na mas mababa ang totoong bilang.

Sa ngayon ay hawak ni Banlaoi at kanyang mga kasamahan ang mga ebidensyang magpapatunay ng pag-aaral.