Duterte gugunitain ang ‘Undas’ sa Davao City

0
65

Sa Davao city gugunitain ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Undas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkausap sila ng pangulo sa Davao City at inihayag nitong wala siyang aktibidad sa Nobyembre 1 at 2.

Ayon kay Panelo, mananatili lamang ang pangulo sa kaniyang bahay sa Davao na ordinaryo na nitong ginagawa tuwing panahon ng Undas.