- Advertisement -
Inaasahan nang dumating sa bansa bukas, ika-28 ng Hulyo, ang bangkay ng nasa 71 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa Saudi Arabia.
Ito’y ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III kung saan sinabi nito na sa nabanggit na bilang nasa 57 ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, tiniyak ni Bello na minamadali na sa ngayon ng gobyerno ang proseso ng reptatriation sa mga bangkay ng mga Pilipinong nasawi sa Saudi Arabia.
- Advertisement -