Friday, May 3, 2024

Kuta ng Abu Sayyaf na sangkot sa Jolo bombing nadiskubre

- Advertisement -

Natunton na ng tropa ng militar ang pinagtataguan ni Abu Sayyaf Leader Mundi Sawadjaan at mga kasamahan nito na nasa likod ng  Jolo bombing at sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at grupo nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Joint Task Force Sulu na si Lt/Col. Ronaldo Mateo, alas nuwebe ng umaga kahapon nang madiskubre ang lugar kung saan nagtago ang grupo ng Abu Sayyaf.

Batay naman sa intelligence report ng military, tatlong araw nanatili sa lugar ang grupo ng mga Abu Sayyaf.

Tiniyak naman ng Joint Task Force na patuloy nilang tutugisin ang grupo ni Sawadjaan sa lahat ng land, sea, at air assets ng militar.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img