- Advertisement -
Naitala na ang kauna-unang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Israel, Jerusalem.
Ayon sa ipinalabas na pahayag ng ministry ng bansa, 11 ang pasahero ng Diamond Princess cruise ship mula sa Japan ang napauwi sa Israel matapos magnegatibo sa COVID-19 at matapos ang kanilang mandatory quarantine sa barko.
Ngunit batay sa lumabas na resulta sa Israel health ministry central laboratory ay positibo ang isa rito sa COVID-19.
Sa ngayon, muling isinailalim sa 14 days mandatory quarantine ang 11 Israelis sa Sheba Medical Center malapit sa Tel Aviv.
- Advertisement -