DOH nagpaalala sa publiko kontra COVID-19

0
48

Mahigpit na pinaalalahan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang wastong paghuhugas pa rin ng kamay, social distancing, at ang pagkain ng masustansyang pagkain ang mabisang pang-iwas sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang binigyang diin ni Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa ngayon, sinabi ni Vergeire na kailangang-kailangan ng kagawaran ang kooperasyon ng publiko              para masugpo at tuluyan nang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.