Barkong may lamang ‘smuggled’ na bigas, iinspeksyunin ng Customs

0
60

Masusing isasailalim sa inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) ang cargo vessel na naglalaman ng limampung milyong pisong (P50 million) halaga ng umano’y smuggled sa bigas sa probinsya ng Sulu.

Matatandaang, naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing vessel na MV Hulk na natuklasang may kargang mga smuggled na bigas, kung saan aabot sa dawalawampu’t limang (25) kilo ang laman ng kada isang sako.

Pahayag sa Station Commander ng PCG – Zamboanga na si Lt. Cmdr. Noriel Ramos, namataan ang MV Hulk habang nagsasagawa ng maritime patrol ang BRP Cape San Agustin sa isla ng Bulan sa naturang lalawigan.

Napag-alaman din umanong walang import permit o kahit na anong legal na dokumento ang mga dalang kargamento ng barko.

Dinala na ng mga otoridad sa Bengo Wharf sa Zamboanga City ang MV Hulk.

Nabatid na tumakas na lulan ng isang motorboat ang mga opisyal at shipmaster ng barko