29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Kumakalat na e-mail na namimigay ng libreng masks, sanitizers ang PRC ‘fake news’

- Advertisement -

Nagbabala ang Philippine Red Cross (PRC) kaugnay sa mga kumakalat na e-mail na namimigay umano sila ng libreng face masks at hand sanitizers sa publiko.

Ayon sa Red Cross, hindi totoo ang anila’y posibleng ‘modus operandi’ lamang na nanghihingi umano ng personal na impormasyon gaya ng pangalan, address at contact number sa mga nais magrequest ng supplies.

Payo ng Red Cross, huwag basta-basta magbigay ng anumang personal na impormasyon sa mga ito at agad na ipag-bigay alam sa mga otoridad kung makatatanggap ng ganitong uri ng e-mail.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -