29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Bong Go tinawag na ‘black propaganda’ ang paglantad ni alyas ‘Bikoy’

- Advertisement -

Tinawag na black proganda ni dating special assistant to the president Christopher “Bong” Go ang paglutang ni alyas ‘Bikoy’ ngayong nalalapit na ang halalan.

Ito ay matapos lumantad ni Peter Joemel Advincula sa IBP o Integrated Bar of the Philippines.

Ayon kay Go, malinaw na nais lamang ni Advincula na ibaon siya sa mga mali nitong paratang dahil ilang araw na lamang ay midterm elections na.

Kaugnay nito, muli namang ipinakita ni Go ang kaniyang likod sa publiko upang patunayan na wala siyang dragon tattoo sa likod at hindi siya miyembro ng sindikato ng droga.

“Sinagot ko na yan noon. Sabi ko, ang meron saking likod ay PSNBB. Pimple, stretch marks, nunal, balat at bilbil. Alam niyo po, nagkamali si Bikoy ng kanyang pinuntahan. Di dapat siya pumunta sa IBP. Tingin ko magpapa-admit muna siya sa mental hospital. Black propaganda, malicious, panahon ng eleksyon, kanya-kanyang siraan.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -