Korte ibinasura ang mosyon na inihain ng DOJ at ni Trillanes kaugnay sa kasong kudeta

0
49

Ibinasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 ang motion for partial reconsideration na inihain ng Department of Justice (DOJ) at ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay kaugnay ng desisyon ng korte nuong Oktubre 22 sa kasong kudeta ng senador.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Magugunitang hindi pinaboran ng korte ang hirit ng DOJ na mag-isyu ng arrest warrant at hold departure order (HDO) laban kay Trillanes.

Gayunman, pinagtibay pa rin nito ang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang bisa ang amnesty ng senador.