Election gun ban ipatutupad na sa bansa simula sa Enero 13

0
48

Magsisimula na sa Enero 13 hanggang Hunyo 12, 2019 ang gun ban para sa midterm elections.

Sa inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) na rules and regulations para sa gun ban, kabilang sa ipagbabawal ang pagdadala o pagbiyahe ng mga armas at bala habang umiiral ang election period.

Gayunman, sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na maaring kumuha ng exemption ang ilan sa pag-aapply ng kaukulang certificate of authority sa committee on the ban on firearms and security personnel.

Kinakailangan lang na isumite ang aplikasyon at mga requirements mula Disyembre 1, 2018 hanggang Mayo 29, 2019.

Kasabay nito, ipinaalala ni Jimenez ang pagbabawal din ng pagkuha ng serbisyo ng security personnel o bodyguard habang umiiral ang election period.