Group chat ng isang fraternity sa UP kumalat sa social media

0
63

Kumalat sa social media ang umano’y group chat ng mga miyembro ng fraternity ng University of the Philippines (UP).

Batay sa kumalat na kopya ng naturang chat, kabilang dito ang mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi na may chapter sa UP Diliman, UP Manila at UP Los Baños.

Pawang mga negatibong mensahe ang nakita sa group chat kung saan naglalaman ng mga sexist, racist at anti-poor na usapan.

Halibawa sa nilalaman ng chat ay ang pahayag na ang pagsakay umano sa jeep ay pang mahirap lang.

Dahil dito, kinokondena ngayong ng marami kabilang na ang UP Community ang mga miyembro ng nabanggit ng fraternity.