Sunday, May 5, 2024

Konstruksyon sa MRT-7 sinimulan na

- Advertisement -

Nagsimula na ang konstruksiyon ng depot ng MRT – 7.

Ito ay makaraang maaprubahan ng Korte ang inihaing writs of possession ng Department of Transportation (DOTr) at concessionaire ng SMC Mass Rail Transit 7 para makuha ang ektaryang lupain na pagtatayuan ng depot sa Quezon City.

Matatagpuan ang depot ng Quirino Highway sa barangay Lagro, Quezon City.

Una nang tumanggi ang may-ari sa alok ng DOTr na bilhin ang kanyang lupa batay sa umiiral na market value dahilan para maghain ng kaso ang office of the solicitor general sa korte na kinalaunan ay pinaburan ng korte.

Sa oras na maging operational ang MRT7 positibong maseserbisyuhan nito ang nasa 300,000 hanggang 800,000 mga pasahero kada araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img