Bilang ng Pinoy seamen na dinukot sa West Africa nadagdagan pa

0
13

Dalawa pang Pinoy seamen ang dinukot sa Togo, West Africa.

Ipinabatid ito ng DFA matapos matanggap ang nasabing report mula sa ng Embahada ng Pilipinas sa Abuja kasunod ng pagkaka kumpirma sa nasabing bagong piracy incident.

Dahil dito sinabi ng DFA na 11 Pinoy seamen na ang hawak ng mga pirata sa West Africa.

Tiniyak ng DFA ang patuloy na pakikipag ugnayan ng Embahada ng Pilpinas sa Abuja sa mga otoridad duon para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pinoy seafarers sa lugar.

Nakikipag ugnayan na rin ang DFA sa manning agency ng mga biktima.