Konstruksyon ng LRT 1 Cavite Extension simula na ngayong araw

0
49

Sisimulan na ngayong araw na ito ang konstruksyon ng LRT Line 1 Cavite Extension.

Ayon sa Department of Transportation, kahapon isinagawa ang seremonya bilang hudyat nang pag arangkada ng proyekto mula sa groundbreaking noong May 2017.

September 2014 nang i award sa Light Rail Manila Corporation ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng halos 65 billion pesos.

Nakapaloob sa halos 12 kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon na magdudugtong sa Baclaran at Bacoor, Cavite.

Target ng DOTR at LRMC na matapos sa fourth quarter ng 2021 ang nasabing proyekto kung saan ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor ay magiging 25 minuto na lamang mula sa kasalukuyang isang oras at sampung minuto.