IBP nilinaw na hindi otomatiko ang pagtanggap nila sa mga dumudulog ng libreng legal aid

0
48

Nilinaw ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na hindi otomatiko ang pagtanggap nila sa sinumang dumudulog sa kanilang tanggapan para sa libreng legal aid.

Tinukoy ni IBP incoming President Atty. Domingo Cayosa ang pagdulog sa IBP ni Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’.

Ayon kay Cayosa, mayroong proseso silang sinusunod para suriin muna si ‘Bikoy’ at ang mga sinasabi nito bago maipasok sa kanilang free legal aid program.