Pilipinas hindi na tatanggap ng basura mula sa ibang bansa

0
61

Inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng sangay ng pamahalaan na tanggihan at huwag tumanggap ng kahit anong basura na galing sa ibang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginawa ng pangulo ang direktiba sa kanilang cabinet meeting, kagabi.

Mariin anya ang paninindigan ng pangulo na hindi garbage collector ang Pilipinas.

Sa nasabi ring cabinet meeting ipinarating ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangulo na aakuin ng Canada ang lahat ng gastos sa pagkuha ng kanilang mga basura na narito sa bansa noon pang 2013.