29.3 C
Manila
Wednesday, February 21, 2024

Konseho ng siudad ng Baguio nagpasa ng ordinansiya na bigyang prioridad ng PUVS ang mga estudyante na pumapasok sa umaga

- Advertisement -

Baguio City – Hiniling ng lokal na konseho kamakailan lamang sa unang pagbasa ng isang panukulang ordinansiya na nag-uutos sa lahat ng public utility vehicles o PUVs na gumagala sa kanilang ruta sa lungsod na bigyang prioridad ang mga mag aaral o estudyante sa pagitan ng 6:10 hanggang 6:55 ng umaga na isakay ang mga ito mula sa kanilang barangay hanggang sa central business district na kung saan ang kanilang paaralan ay naroon.

Sa ilalim ng panukulang batas, ito na ang magiging patakaran ng lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio upang itaguyod ang kapakanan at upang matiyak ang pagdadala ng pangunahing serbisyo at palawigin pa ang katungkulan ng lungsod para sa kapakanan ng nakakarami sa ilalim ng kaukulang probisyon ng Republic Act (RA) 7160 o o ang Local Government Code of the Philippines.

Sinabi ng panukalang ordinansiya na ang Land Transportation Office (LTO) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pangunahing magpapatupad na ahensiya at sila rin ang magsasagawa ng inspeksyon upang matiyak ang pagsunod ng mga public utility vehicles sa paghahatid ng mga estudyante.

Bilang karagdagan, ang LTO at LTFRB ang kakatawan sa kanila bilang katuwang sa pagpapatupad ng student lane ordinance. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -